Miyerkules, Oktubre 17, 2012

Si Kesz: Ang Kanyang Kabataan at Kariton Klarum

-Isang kwento ng tagumpay na hindi hadlang ang kahirapan upang makatulong at maging modelo ng kabataan.

“Noong mga araw na nilalabanan ko ang mga paso at sakit sa aking katawan ay para na ring muling pagbibinyag sa akin ng apoy. Walang katapusang sakit at hirap ang naramdaman ko noong gabing iyon sa dumpsite, sa ospital, at noong mga sumunod na araw. Umiyak ako sa sobrang sakit. Sa kabilang dako, noong araw ding iyon ay sinagip ako.”





Deklarasyon at Programa ng Pagkilos ng NDFP para sa mga Karapatan, Proteksyon at Kagalingan ng mga Bata


Artikulo I. Deklarasyong muling pagtibayin, pangalagaan at itaguyod ang mga karapatan ng mga bata




Batas Para sa Kabataan


" Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan"
   -Jose Rizal
Ang mga batas para sa kabataan ay ginawa at pinagtibay upang pangalagaan ang mga kabataan, ang kanilang pagkatao at ang kanilang pang indibidwal na karapatan.
Narito ang ilan sa mga batas na magbibigay proteksyon at seguridad sa mga kabataan:





Papel at Panulat Alay sa Inyo, Kabataan

LINANGIN! Magiging tagapangalaga at pag-asa ng buong mundo!

Napakabilis talaga ng pag-takbo ng panahon, sing bilis ng agos ng tubig sa ilog na hinihipan ng hangin patungo sa napakalawak na karagatan.

     Ang buhay ng tao ay isang napakalawak na karagatan. Hindi natin alam ang ating paroroonan. Hindi natin alam kung ano ang ating makukuha sa hinaharap.

   Kaalinsabay ng mabilis na paglipas ng mga araw ay ang malawakang pag-unlad ng teknolohiya. Mga teknolohiya na ang pangunahing nais ay makatulong sa mga tao upang mapadali ang mga gawain sa materyal na mundong ito. Gamit rin ang mga teknolohiya upang mapaunlad ang ating mga kabataan sa iba’t ibang larangan.

     Ang bawat magulang ay walang ibang hinahangad sa kanilang mga anak kundi ang mapabilang sa tinatawag na “bright child o gifted child” at mapabuti sa hinaharap.

      Sabi nga ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.”Subalit sa mga nangyayari ngayon na ang ating mga kabaataan ay nahaharap sa krisis na ito, di yata’t lumalabo na ang tinuran ng ating pambansang bayani.

       Napakaraming dapat isaalang-alang upang ang bata ay tawaging "bright child." Pamilya, edukasyon, kaibigan, at kapaligiran; ilan lamang ang mga ito sa mga kailangan ng bata.

Nakalulungkot lamang na may ilang mga kabataan ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral at abutin ang kanilang mga mga pangarap.Ilan sa mga salik na ito ay ang kahirapan, child labor, child abuse at marami pang ibang kinasasangkutang krisis ng ilan sa ating mga kabataan.

NAKAPANLULUMO! Ang batang dapat nag-aaral at inaabot ang bituin ng kanyang tagumpay ay sapilitang nagtatrabaho para may ikabuhay ang pamilya dahil sa labis na kahirapan. 
                                           
        Ayon sa ating saligang batas, ang bawat bata ay may karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan,  maging malakas at malusog, mabigyan ng maayos na tahanan, tumira sa isang malinis, maayos at ligtas na kapaligiran, makapag-aral, maglibang,malinang ang angking talino,  magkaroon ng pamilyang mag-aaruga, matuto nang mabuting ugali at magandang-asal, ipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.

    May mga sari-sarili ring pangarap at adhikain ang mga bata. Bilang nakatatanda nasa atin ang malaking responsibilidad sa pag-abot nito, nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.