LINANGIN! Magiging tagapangalaga at pag-asa
ng buong mundo!
Napakabilis talaga ng
pag-takbo ng panahon, sing bilis ng agos ng tubig sa ilog na hinihipan ng
hangin patungo sa napakalawak na karagatan.
Ang buhay ng tao ay isang
napakalawak na karagatan. Hindi natin alam ang ating paroroonan. Hindi natin
alam kung ano ang ating makukuha sa hinaharap.
Kaalinsabay
ng mabilis na paglipas ng mga araw ay ang malawakang pag-unlad ng teknolohiya.
Mga teknolohiya na ang pangunahing nais ay makatulong sa mga tao upang mapadali
ang mga gawain sa materyal na mundong ito. Gamit rin ang mga teknolohiya upang
mapaunlad ang ating mga kabataan sa iba’t ibang larangan.
Ang
bawat magulang ay walang ibang hinahangad sa kanilang mga anak kundi ang
mapabilang sa tinatawag na “bright child o gifted child” at mapabuti sa
hinaharap.
Sabi nga ng ating pambansang bayaning si Dr.
Jose Rizal, “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.”Subalit sa mga nangyayari ngayon
na ang ating mga kabaataan ay nahaharap sa krisis na ito, di yata’t lumalabo na
ang tinuran ng ating pambansang bayani.
Napakaraming dapat
isaalang-alang upang ang bata ay tawaging "bright child." Pamilya, edukasyon,
kaibigan, at kapaligiran; ilan lamang ang mga ito sa mga kailangan ng bata.
Nakalulungkot lamang na
may ilang mga kabataan ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral at
abutin ang kanilang mga mga pangarap.Ilan sa mga salik na ito ay ang kahirapan,
child labor, child abuse at marami pang ibang kinasasangkutang krisis ng ilan
sa ating mga kabataan.
NAKAPANLULUMO! Ang
batang dapat nag-aaral at inaabot ang bituin ng kanyang tagumpay ay sapilitang
nagtatrabaho para may ikabuhay ang pamilya dahil sa labis na kahirapan.
Ayon sa ating saligang
batas, ang bawat bata ay may karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan, maging malakas at malusog, mabigyan ng maayos
na tahanan, tumira sa isang malinis, maayos at ligtas na kapaligiran,
makapag-aral, maglibang,malinang ang angking talino, magkaroon ng pamilyang mag-aaruga, matuto
nang mabuting ugali at magandang-asal, ipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
May mga sari-sarili ring
pangarap at adhikain ang mga bata. Bilang nakatatanda nasa atin ang malaking responsibilidad
sa pag-abot nito, nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento